Philippine Red Cross, nagsagawa ng bloodletting activity sa City of Malabon University

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kasabay ng pagdiriwang ng Red Cross Youth Month, nagsagawa ng bloodletting activity ang Philippine Red Cross-Malabon City chapter.

Isinagawa ang bloodletting sa City of Malabon University na nilahukan ng mga estudyante at faculty members.

Target na makalikom ang Red Cross mula 300 hanggang 400 na bag ng dugo mula sa mga estudyante at faculty ng unibersidad.

Kaugnay nito, pinasalamatan ni Malabon City Mayor Jeannie Sandoval ang mga estudyante at pamunuan ng City of Malabon University sa pag oorganisa ng nasabing aktibidad.

Dinaluhan din ang bloodletting ng mga volunteer at staff ng PRC Malabon City chapter sa pangunguna ni Chapter Administrator Ms. Julie Legaspi. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us