Philippine Red Cross, nanawagan sa mga bansa na irespeto ang International Humanitarian Law sa gitna ng giyera sa Israel

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nanawagan ang Philippine Red Cross (PRC) sa mga bansa na i-respeto ang International Humanitarian Law sa gitna ng nararanasang giyera sa Israel.

Sa isang pahayag, sinabi ng PRC na mariing ipinagbabawal sa International Humanitarian Law ang panloloob, paghihiganti, paninira ng mga ari-arian, at pagdakip ng mga indibidwal.

Hindi rin dapat matigil ang operasyon ng mga healthcare facility sa panahon ng emergency, gayundin ang pagtitiyak na mabibigyang proteksyon ang mga emergency medical responder.

Kasabay nito ay nagpaabot din ng pakikiramay ang PRC sa mga pamilya at kaibigan ng mga humanitarian worker mula sa International Red Cross and Red Crescent (RCRC) na nasawi sa giyera sa Israel.

Kabilang sa mga nasawi ang isang driver mula sa Magen David Adom at apat na paramedics mula sa Palestinian Red Crescent Society.

Binigyang pugay naman ng PRC ang lahat ng mga humanitarian worker na nasa frontlines na nagbibigay ng tulong sa mga apektado ng giyera gaya ng atensyong medikal at psychosocial first aid. | via Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us