Patuloy ang pagdeliver ng Philippine Postal Corporation sa Jolo ng mga National ID ng mga mamamayan sa lalawigan.
Dahil sa kakulangan sa personnel at kartero sa probinsya, isang onsite distribution ang isinasagawa ng tanggapan at nang mapalapit sa publiko ang kanilang serbisyo.
Ngayong araw, Barangay Asturias sa bayan ng Jolo ang kanilang natarget mapaglagyan ng naturang aktibidad kung saan halos 3,000 National ID ang target na maipamahagi.
Isinagawa ang pamamahagi ng ID sa Barangay Hall ng Asturias na tatagal hanggang ngayong hapon.
Sa tala ng PhilPost Jolo, 126 ID ang ipapamahagi sa Kakuyagan Village; 393 sa Kasanyangan Village; at 2811 naman sa ibang bahagi ng naturang barangay.
Bukod sa Jolo, sunod na target ng PhilPost ngayong buwan ang bayan ng Lugus at Maimbung upang maihatid ang National ID na matagal ng hinihintay ng bawat mamamayang Pilipino. | ulat ni Eloiza Mohammad | RP1 Jolo