Hanggang Oktubre 3, 2023, umabot na sa kabuuang 81,005,872 Pilipino ang nakapagparehistro na sa Philippine Identification System (PhilSys).
Ayon sa Philippine Statistics Office, nakamit ang malaking bilang ng mga nagparehistro sa pamamagitan ng dedicated efforts at pangako ng ahensiya.
Partikular na dito ang matiyak sa isang inclusive at accessible na national identification system para sa mga mamamayan na naninirahan sa geographically isolated and disadvantaged areas (GIDAs).
Malaking tulong umano ang paggamit ng PhilSys on Wheels, kung saan ang mga sasakyan ay nilagyan ng mga registration kit upang maabot ang mga malalayong lugar.
Sa pamamagitan ng inisyatiba, pati mga indigenous people (IPs) ay nakapagparehistro sa PhilSys.
Samantala, nananatiling available ang mga serbisyo ng PhilSys sa mga fixed registration centers sa buong bansa at bukas sa walk-in registrations. | ulat ni Rey Ferrer