Muling pinagtibay ng Pilipinas at Canada ang matatag at matibay na ugnayan nito para itaguyod ang kapakanan gayundin ang karapatan ng mga overseas Filipino worker (OFWs).
Ito ay makaraang selyuhan ng dalawang bansa ang isang kasunduan kasabay ng pagdiriwang ng Philippine-Canada Friendship week mula ngayong araw, Oktubre 23.
Panauhing pandangal si Canadian Ambassador to the Philippines David Hartman na labis ang pasasalamat sa Pilipinas dahil sa paglulunsad ng nasabing okasyon
Sa panig naman ng Pilipinas, sinabi ni Departent of Migrant Workers (DMW) Undersecretary for Policy and International Cooperation Patricia Yvonne Caunan, na ang okasyon ay magtataguyod ng patas, maayos at ligtas na recruitment
Inilunsad din sa naturang event ang kumustahan, kung saan tampok ang mga kwento ng tagumpay ng mga Pilipinong nasa Canada. | ulat ni Jaymark Dagala