Nilagdaan ng Pilipinas at European Union ang €60 milyon Financing Agreement for Green Economy Programme sa bansa.
Ang kasunduan ay nilagdaan nina Finance Secretary Benjamin Diokno at EU Commissioner for International Partnership Jutta Urpilainen sa Brussels, Belgium.
Ayon kay Sec. Diokno, ang kasunduan ay patunay ng hangarin ng Pilipinas na maisakatuparan ang “concrete climate action” ng bansa.
Aniya, sa pamamagitan ng Green Economy Programme, makakapag-transition ang bansa sa mas sustainable na ekonomiya sa pamamagitan ng pagpapatibay ng ‘circular economy’, pagbabawas ng basura at plastik at pag-develop ng ‘renewable and efficient energy’.
Nagpasalamat rin ang kalihim sa EU Commission sa kanilang “generous contribution” sa pagpupursigi na mabawasan ang green house gas emissions ng 75% sa taong 2030.
Ang landmark collaboration sa pagitan ng Pilipinas at EU at member states ay sumasalamin ng “shared commitment” na tugunan ang mga hamon sa kalikasan, bagay na inilunsad ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at EU Commission Ursula Von der Leyen ngayon taon. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes