Inatasan na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at Department of Migrant Workers (DMW) na tukuyin kung ilan at nasaan eksakto ang mga Pilipino sa Israel.
Sa gitna ito ng kaguluhang nararanasan doon, kasunod ng pag-atake ng Hamas group sa Israel na kumitil na ng nasa 500 buhay.
Ang DMW nagbukas na ng hotline, Viber, at WhatsApp hotline numbers para sa mga tawag at katanungan ng Filipino community na mangangailangan ng tulong ng pamahalaan.
“The government is closely coordinating with the Philippine Embassy in Tel Aviv and the Migrant Workers Office (MWO) in Israel to ensure the safety and welfare of Filipinos affected in the ongoing conflict.” —PCO Secretary Garafil.
Kaisa ang Pilipinas ng buong mundo sa pagkondena sa mga pag-atake doon, kung saan nadadamay ang mga sibilyan.
“The Philippines understands the right of states to self-defense in the light of external aggression as recognized in the United Nations Charter.” —Pangulong Marcos.
Nagpaabot na rin ng pakikidalamhati si Pangulong Marcos sa pamilya ng mga nasawi dahil sa mga pag-atake.
“The Philippines conveys its deepest sympathies and condolences to those who have lost family members and loved ones in recent attacks. The Philippines condemns the attacks, especially against civilian populations.” —Pangulong Marcos. | ulat ni Racquel Bayan