Pilipinas, malulugi ng higit P400 billion sa loob ng limang taon kung magpapatuloy ang suspensyon ng reclamation projects

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nasa P432 billion na halaga ng buwis ang mawawala sa pamahalaan kung magpapatuloy ang suspensyon ng reclamation projects sa loob ng limang taon.

Ito ang ipinunto ni Ways and Means Committee Chair Joey Salceda, matapos ang isinagawang briefing ng kaniyang komite kasama ang Philippine Reclamation Authority patungkol sa estado ng reclamation projects sa bansa.

Matatandaan na noong Agosto ay ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na suspindihin ang nasa 22 reclamation project, kabilang dito ang tatlong proyekto sa Manila Bay na nasimulan na.

Paalala ni Salceda, may malaking ambag sa ekonomiya ng bansa ang reclamation project dahil sa buwis at trabahong malilikha.

Maliban dito, lumabas sa pagdinig na isinailalim na pala sa cumulative impact assessment ang naturang mga proyekto kaya’t nagtataka si Salceda kung bakit kailangan pa itong suspindihin.

Magkakasa ng susunod na pulong ang komite para mapakinggan ang panig ng Department of Environment and Natural Resources at Environment Management Bureau. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us