Nakatakdang mag-host ang Pilipinas sa taunang Asia Pacific on Ministerial Conference on Disaster Risk Reduction and Management Council sa susunod na taon.
Sa launching ng official hosting ng Pilipinas sa ASIA Pacific Ministerial Conference on Disaster Risk Reduction 2024, sinabi ni Defense Secretary Gibo Teodoro ang kahalagahan ng naturang ministerial meeting dahil isa ang ating bansa sa palagiang tinatamaan ng matitinding kalamidad.
Samantala, dumalo sa naturang pagpupulong sina DENR Secretary Yulo Loyzaga, DOST Secretary Renato Solidum, miyembro ng diplomatic corp at UN Representative Mami Mitsuri at kapwa nagbigay ng mga mesahe sa mga stakeholder na dumalo sa naturang pagtitipon. | ulat ni AJ Ignacio