Pilipinas, nasungkit ang apat na nominasyon sa tinaguriang “Oscars” ng travel industry

Facebook
Twitter
LinkedIn

Muling ipinakita ng Pilipinas ang kagandahan at husay nito pagdating sa travel industry dahil hindi lang isa kung hindi apat na nominasyon ang nasungkit nito sa prestihiyosong World Travel Awards na itinuturing na Oscars ng travel industry.

Dito, back-to-back na nakuha muli ng bansa ang nominasyon para sa World’s Leading Beach Destination at World’s Leading Dive Destination.

Dagdag pa riyan ang nominasyon para sa World’s Leading Island Destination at World’s Leading Tourist Board para sa Department of Tourism.

Binigyang-diin ni Department of Tourism (DOT) Secretary Christina Garcia Frasco na ang mga nominasyon ay nagpapakita ng kagandahan ng iba’t ibang tanawin ng bansa at ang mayamang kultura ng Pilipinas.

Nagpahayag rin ng pasasalamat si Secretary Frasco sa suporta ng nakararami at hinihikayat ang mga travelers na makilahok sa proseso ng botohan.

Maaaring bumoto ang publiko para sa pamamagitan ng pagbisita sa https://www.worldtravelawards.com/vote hanggang sa ika-17 ng Nobyembre, 2023. | ulat ni EJ Lazaro

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us