Pinakahuling sitwasyon sa Israel, inilatag ng Israeli Ambassador kay Pangulong Marcos.

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagkausap sa Malacañan ngayong araw (October 11) sina Pangulong Ferdinand F. Marcos Jr. at Israel Ambassador to the Philippines Ilan Fluss, kung saan binigyan ng ambahador ng update ang pangulo kaugnay sa sitwasyon sa Israel.

Sa pagu-usap ng dalawang opisyal, naghayag ng paga-alala ang pangulo sa kalagayan ng tatlo pang Pilipino na hanggang sa kasalukuyan, hindi pa rin ma-contact ng pamahalaan.

“During their discussion, the President expressed concern for the 3 Filipinos that remain unaccounted for in Israel, and the Ambassador assured the President that Israel is doing all it can to ensure the safety of our nationals.” —PCO.

Tiniyak naman ni Ambassador Fluss sa pangulo na ginagawa ng kanilang bansa ang lahat upang masiguro ang kaligtasan ng mga Pilipino sa Israel.

Habang ginamit rin ni Pangulong Marcos ang pagkakataon, upang pasalamatan ang pag-liligtas ng israeli defense forces sa higit  20 mga Pilipino doon.

Tiniyak din naman ng pangulo kay Ambassador Fluss na nakatindig ang Pilipinas kasama ng Israel laban sa hindi makataong pag atake ng Hamas.

“The Philippines thanks Israel and more specifically, the Israeli Defence Forces, the IDF, for rescuing over 20 Filipinos and bringing them to safety. The President assured Amb. Fluss that the Philippines will always stand with Israel in this war against the inhuman terrorist attacks by Hamas.” —PCO| ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us