Pitong kandidato sa Bicol, hindi maaaring iproklama dahil sa pinal na desisyon ng korte – Comelec Bicol

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinumpirma ni Atty. Maria Juana Valeza, Regional Director ng Commission on Election Bicol, ang suspension ng proklamasyon ng pitong kandidato sa Bicol sa oras na Manalo sa eleksiyon dahil sa pinal na desisyon o final judgement ng korte. Batay ito sa utos ng 2nd, 1st ng Comelec, at en banc bago pa man ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Lahad ng opisyal karamihan sa mga ito, found guilty beyond reasonable doubt ng isang korte, gayundin ang conduct prejudicial to the best interest of the service, grave misconduct and serious dishonesty, sentenced by final judgement dahil sa acts of lasciviousness, malversation of public funds, at pre mature campaigning.

Ayon kay Valeza, pawang Punong Barangay ang posisyon ng sangkot na mga kandidato sa  Brgy Pequena, Naga City, Camarines Sur, sa  Brgy. Cabas-an, Aroroy Masbate, Brgy Malbog Pilar, Sorsogon, Brgy. Poblacion, Capalonga, Camarines Norte, Brgy Macabog Sorsogon City, Sorsogon, Brgy. Tambongon Viga, Catanduanes, at Brgy F. Magallanes, Masbate City. Masbate.

Tinuran pa niyang, sa mga barangay na nabanggit, ang proclamation form na nakahanda ay walang pangalan, upang matiyak na walang magaganap na iregularidad. | via Nancy Mediavillo | RP1 Albay

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us