Opisyal na pinasinayaan ng Department of Health (DOH) ang pagsisimula ng konstruksyon ng isang pitong palapag na specialty center na itatayo sa Lungsod ng Marawi.
Ang nasabing pasilidad ay magiging bahagi ng Amai Pakpak Medical Center na isa sa mga nangungunang ospital sa Mindanao.
Alok ng itatayong specialty center ang iba’t ibang serbisyo sa publiko tulad ng ambulatory surgery, dermatology, infection prevention and control, lung care, orthopedic care, physical rehabilitation, at nursing units para sa mga beterano, overseas Filipino workers, at matatanda.
Sinabi ng DOH na ang proyektong ito ay patunay sa kanilang pangako na mapabuti ang kalidad ng pangangalagang pangkalusugan sa bansa.
Pinangunahan ni DOH Undersecretary Abdullah Dumama Jr., na siya ring officer-in-charge ng rehiyon ng Visayas ang isinagawang groundbreaking kasama ang iba pang mga opisyal ng DOH, lokal na mga opisyal ng pamahalaan, staff ng ospital, at mga miyembro ng komunidad.
Inaasahan namang matatapos ang specialty center sa taong 2025. | ulat ni EJ Lazaro