PNP, ‘all go’ na para sa BSKE — PNP Chief

Facebook
Twitter
LinkedIn

“All go” na ang Philippine National Police (PNP) para sa Barangay at Sanguniang Kabataan Elections (BSKE) sa October 30.

Ayon kay PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. base ito sa pag-uulat ng mga Police Regional Directors matapos ang kanilang pagpupulong sa iba’t ibang Regional Joint Security Control Center (RJSCC) at Provincial JSCCs at National Headquarters, kaugnay ng paghahandang ginawa ng PNP.

Sa pulong balitaan sa Camp Crame kahapon, sinabi ng PNP Chief na sa ngayon ay wala silang nakikitang lugar na posibleng ma-postpone ang halalan sa kabila ng pagtukoy ng 2,594 areas of concern.

Bagamat mayroon aniyang ilang lugar na kailangang padalhan ng karagdagang tauhan, na nagawa na.

Sa ngayon aniya ay 246 ang tinukoy na “areas of grave concern” o klasipikado sa ilalim ng Red Category, na karamihan ay nasa Bicol, Eastern Visayas, at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Habang 1,248 barangay naman ang nasa ilalim ng  Orange Category; at 1,100 ang nasa Yellow Category.  | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us