PNP Chief Acorda, pinangunahan ang turnover sa mga asset at equipment ng PRO-1 kasabay ng kanyang pagbisita sa La Union

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inaasahang lalo pang gaganda ang serbisyong ihahatid ng Police Regional Office (PRO)-1 sa mga mamamayan sa Rehiyon Uno sa mga darating na araw.

Ito’y matapos makatanggap ang PRO-1 ng mga mobility assets at Internal Security Operations Equipment kasabay ng pagdiriwang ng 122nd Police Service Anniversary.

Pinangunahan ni PNP Chief Gen. Benjamin C. Acorda, Jr. ang turnover at distribusyon sa mga naturang kagamitan sa San Fernando City, La Union.

Kinabibilangan ito ng 41 Patrol Jeep 4X2 Single Cab Toyota Hi-lux, 2 Personnel Carrier Mitsubishi Strada 4X4, 55 Tactical Vest, 168 Undershirt Vest, 55 Enhanced Combat Helmet; 50 5.56mm Basic Assault Rifle “GALIL”; 18,000 SS109CTG Ball para sa Cal 5.56mm at 350 Magazine para sa Cal 5.56 

Inaasahang ipapamahagi ang mga ito sa iba’t-ibang unit at station ng pulisya sa rehiyon.

Ginanap din ang pagbasbas at inagurasyon sa PRO-1 SOQ3 Building kasabay ng pagdalaw ng PNP Chief.|ulat ni Glenda B. Sarac| RP1 Agoo

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us