Inaprubahan na ng NAPOLCOM o National Police Commission ang pagrecruit ng mga bagong pulis.
Ayon sa ulat, nangangailangan ngayon ang Philippine National Police ng karagdagang 6,501 na bagong pulis alinsunod sa quota sa ilalim ng PNP 2023 Recruitment Program.
Sa hanay ng NCRPO, kailangan nito ng 2,101 na bagong pulis, 600 naman sa Provincial Regional Office 3(PRO3) at 400 sa Region 4A.
Para sa mga nais mag-apply na maging pulis, ilan sa mga requirement para dito ay ang pagkakaroon ng college degree at eligibility gaya ng mga sumusunod:
* PNP Entrance Examination (NAPOLCOM)
* Career Service Professional (Civil Service Commission)
* R.A. No. 1080 (Bar and Board Examination)
* R.A. No. 6506 (Licensed Criminologist)
* P.D. 907 (Civil Service Eligibility to College Honor Graduate)
* Police Officer Exam (Civil Service Commission)
Dapat ay hindi bababa sa taas na 1.57 meters para sa mga lalaki at 1.52 meters para sa mga babae.
Hindi rin dapat bababa sa 21 taong gulang at lalampas sa 30 taon ang edad at mayroong good moral character. | ulat ni Rey Ferrer