PNP tutulong sa TESDA sa skills training sa mga liblib na lugar

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tutulungan ng Philippine National Police (PNP) ang Technical Education Skills Development Authority (TESDA) sa paghahatid ng community-based training sa mga liblib na lugar para sa mga katutubo, dating rebelde at iba pang miyembro ng komunidad.

Kabilang ito sa nilalaman ng isang Memorandum of Agreement (MOA) na nilagdaan ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. at TESDA Director General Suharto T. Mangudadatu kahapon sa Camp Crame.

Ayon kay Mangudadatu, kasama din sa kasunduan ang “trainers development” ng TESDA sa PNP personnel.

Nagpasalamat naman si Gen. Acorda sa suporta ng TESDA sa PNP, partikular sa kanilang pagbibigay ng scholarship sa mga benepisyaryo ng mga miyembro ng unipormadong serbisyo na nasawi sa pagganap ng tungkulin.

Kasabay ng paglagda sa MOA ay inilunsad rin kahapon ng PNP ang Human Rights Online Assessment Information System (HROASIS) na patunay sa commitment ng pambansang pulisya na itaguyod ang mga prinsipyo ng karapatang pantao. | ulat ni Leo Sarne

📷: PNP-PIO

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us