Inaasahang hindi muna babaguhin ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang kanilang policy interest rate sa kabila ng mataas na inflation.
Base sa Moody’s Analytic report, inaasahan nilang mapapako pansamantala sa policy rate na 6.25% dahil kailangang hintayin pa ng Bangko Sentral ang GDP nitong Setyembre at ang resulta ng inflation ngayong Oktubre.
Sa November 16 nakatakda ang pulong ng monetary board kung saan kabilang sa agenda ang policy rate.
Sinabi pa ng Moody’s Analytic na ang pagpupulong ng patakaran sa pananalapi ng BSP sa Nobyembre ay dapat abangan dahil anila mukhang malabo na maabot ang headline inflation target nila na 2-4% bago matapos ang taon.
Ayon naman kay Diwa Guinigundo ng GlobalSource Analyst, ang pagpapatupad ng pisong provisional increase sa pamasahe sa jeep at ang mga regional wage hike ay may epekto sa paghihigpit ng monetary policy ng bansa. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes