Political leaders sa Kamara, umapela kay dating Pang. Duterte na huwag pagbantaan ang sinomang miyembro ng Kapulungan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hiniling ng mga lider ng partido politikal sa Kamara kay dating Pang. Rodrigo Duterte na huwag naman pagbantaan ang miyembro ng Kapulungan.

Sa isang joint statement, apela ng mga political leader sa dating pangulo at iba pang partido na iwasan ang pagbabanta o pagnanais ng masama sa sino mang House member o sa buong institusyon.

Kasunod ito ng ilang pahayag ng dating pangulo laban kay House Deputy Minority Leader at ACT Teacher party-list Rep. France Castro sa isang panayam.

Pagbibigay diin ng mga political leader na mahalagang idaan ang usapin sa dayalogo at nang may pang-unawa at hindi sa paninira.

Mahalaga anila na unahin ang interes ng mga Pilipino kaysa magkawatak watak dahil sa personal na interes o politika.

“We call upon the former President and all parties involved to avoid making threats or insinuating harm against any member of the House or the institution itself. Dialogue and understanding should always be at the forefront, superseding divisive rhetoric. Our foremost duty as public servants is to the Filipino people, and it is incumbent upon us to rise above personal and political divides to prioritize their welfare and the nation’s advancement. “ saad sa joint statement. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us