Pondo para sa mga scholars ng CHED, siniguro ni CHED Chair De Vera

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinumpirma ni Commision on Higher Education (CHED) Chairperson J. Prospero De Vera III na sapat ang itinalagang pondo para sa iba’t ibang scholarship grant ng tanggapan.

Ayon sa naging panayam ng Radyo Pilipinas Dagupan kay De Vera, pasado na umano ang pondo ng CHED sa House of Representative at sapat ang pondong inilaan para sa mga scholarship grant ng tanggapan tulad ng Tulong Dunong Program (TDP) at Tersiary Education Subsidy (TES).

Matatandaang 16% ng proposed 2024 National Expenditure Program (NEP) ay inilaan sa sektor ng edukasyon, isa na rito ang P31.0-bilyong pondo ng CHED at P106-bilyon naman ang inilaan para sa 116 State Universities and Colleges (SUCs).

Ayon kay De Vera, mayroong 27,000 mag-aaral sa buong rehiyon uno ang benepisyaryo ng free higher education program o mga hindi na nagbabayad ng tuition fee at miscellaneous fee.

Nasa 24,000 mag-aaral naman sa Rehiyon 1 ang benepisyaryo ng TDP at TES. Ayon kay De Vera, ang Rehiyon 1 ang isa may pinakamalaking bilang ng scholars sa buong Pilipinas.

Upang epektibo at mabilis na maipamahagi ang mga scholarship grant, patuloy na nakikibahagi ang tanggapan ng CHED. | ulat ni Ricky Casipit | RP1 Dagupan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us