Pondo para sa pension hike ng mga senior citizen, pinatitiyak ni Sen. Joel Villanueva

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umaapela si Senate Majority Leader Joel Villanueva sa Department of Budget and Management (DBM) na siguruhin na magkakaroon ng sapat na pondo ang dagdag na buwanang social pension sa mga mahihirap na senior citizen.

Sa ilalim ng 2024 National Expenditure Program (NEP), nasa ₱49.8-billion ang nakalaan na pondo para sa ₱1,000 na monthly social pension ng mga indigent senior citizen.

Ginawa ni Villanueva ang panawagan sa DBM kasunod ng impormasyon na para sa kasalukuyang taong 2023 ay nananatiling nasa ₱500 kada buwan ang ibinibigay na social pension sa mga indigent senior citizen kahit pa noong nakaraang taon pa naisabatas ang pagdodoble ng halagang ito o ang Republic Act 11916.

Ipinunto ng majority leader na sa ilalim ng 2023 General Appropriations Act (GAA), nasa ₱23.3-billion pesos ang nakalaang pondo para sa social pension ng mga indigent senior citizen at mayroon pang ₱25-billion sa ilalim ng unprogrammed funds para sa dagdag na pensyon.

Sa naging budget briefing ng DBM sa Senado, sinabi ng ahensya na wala pang pondong nailalabas mula sa unprogrammed funds para sa dagdag na pensyon kaya naman ibig sabihin ay wala pang indigent senior citizen ang nakakatanggap ng dagdag na pensyon ngayong taon. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us