Inilunsad ngayon ng National Privacy Commission (NPC) ang isang bagong web portal na tutulong sa ating mga kababayang malaman kung kasama ang kanilang impormasyon sa kamakailang breach sa database ng PhilHealth.
Tinawag ang portal na “Na-leak ba ang PhilHealth Data ko?”, layunin nitong bigyang-daan ang mga customer ng PhilHealth na ma-check kung kasama ang kanilang mga impormasyon tulad ng pangalan at kaarawan na kasama sa tinatayang 8.5 milyong record na umano’y ninakaw ng Medusa Rasomware Group.
Kung saan noong Oktubre 5 ay inilathala ng nasabing grupo sa dark web.
Sa ngayon, para sa initial batch, tanging mga indbidwal lamang na edad 60 taon pataas ang nakalathala sa portal ngunit palano ng NPC na i-update ito sa mas maraming record sa lalong madaling panahon.
Para ma-access ang portal database maaring bisitahin ang philhealthleak.privacy.gov.ph.
Patuloy din ang paalala ng NPC na maging mapagmatyag at protektahan ang inyong data mula sa identity theft, fraud, at iba pang krimen kaugnayan ng inyong mga impormasyon online. | ulat ni EJ Lazaro