Naniniwala si Albay Rep. Joey Salceda na kailangan maiba ang pananaw sa ‘reclamation projects’.
Ayon sa Ways and Means Committee Chair, makatutulong ang reclamation projects sa flood control.
Katunayan, sa kaniyang pakikipag-usap kay dating DENR Sec. Ramon Paje, basta’t matitiyak ang structural mitigation ay makatutulong ang reclamation projects para ibsan ang epekto ng pagtaas ng sea level, storm surge, at maging pagsasaayos sa sewerage.
Punto pa nito na wala pang 2% ang reclamation project sa Manila Bay kung ikukumpara sa ibang mga bansa ng gaya ng Tokyo at Singapore na nasa 20% at 27%
“I think it’s time we have a serious conversation about reclamation. 20% of Tokyo Bay is reclaimed. 27% of Singapore’s land is reclaimed. The largest flood control project ever undertaken in the whole history of mankind, in the Netherlands, involved the creation of an entirely new province out of reclaimed land.” ani Salceda.
Sa panig naman ni Philippine Reclamation Authority Acting GM Atty. John Joshua Literal, sinabi nito na patunay sa pagiging reliable at sustainable ng reclamation projects ang SM MOA Complex na proyekto noong 1990s at ang CCP-FCA Complex na na-reclaim noong 1960s hanggang 1970s.
Ang naturang mga proyekto ay nananatili aniyang matatag sa kabila ng mga bagyo at pagbaha at wala ring naitalang ‘untoward incident’ sa ginawang reclamation area. | ulat ni Kathleen Jean Forbes