Potensyal ng ecozone at freeport sa Sta. Ana, pansin sa katatapos na Spark 2023 sa Kuala Lumpur, Malaysia
Hindi bababa sa 60 investors ang napukaw ang atensiyon sa ganda at investment offer ng Cagayan Economic Zone Authority sa katatapos na 3rd SPARK o pinaikling Selangor Industrial Park Expo 2023 na ginanap Selangor International Convention Center sa Kuala Lumpur, Malaysia.
Ang apat na araw na business expo na nagtapos kahapon ay kinatampukan ng 228 display o booth ng ibat ibang business interests karamihan sa Southeast Asia.
Kasama sa business interests sa SPARK 2023 ay industrial park developers, manufacturers, shipping at logistics providers at iba’t ibang kinatawan ng industrial sector.
Sa pagtitipon na iyon ay nabigyan ng oportunidad ang CEZA na lawakan ang network nito, nakapag-establish ng partnership at engagement sa mga posibleng locator na nagustuhan ang ganda at angking potensyal ng ecozone and freeport sa Sta Ana.
Ang partisipasyon ng CEZA sa aktibidad, kasama ang ibang ecozones sa bansa ay sa paanyaya ng DTI – Phil Trade and Industry Center. | ulat ni Vivian de Guzman | RP1 Tuguegarao
📷 CEZA