PPCRV, takbuhan ng mga botanteng nalilito sa Bagong Silangan Elem. School

Facebook
Twitter
LinkedIn

Dagsa na ang mga botante sa Bagong Silangan Elementary School na isa sa may pinakamalaking bilang ng botante sa QC ngayong 2023 Brgy at SK Elections.m

Bagamat may mga locator map nang nakalatag, marami pa ring botante ang nalilito kaya naman pangunahing takbuhan ng mga ito ang voters assistance desk ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting, o PPCRV.

Ayon kay Tommy Pico, karaniwang concern ng mga nagtutungo sa PPCRV ang mga botanteng nawala na sa masterlist ng Comelec.

Bukod sa voters assistance desk, may mga nakatalaga rin aniya ang PPCRV na mga volunteer sa bawat presinto para maalalayan ang mga botante.

Sa kabuuan, may higit 100 volunteers ang PPCRV na tumutulong dito sa Bagong Silangan Elem. School.

Samantala, maliban naman sa pagalaay sa mga botante, nakatutok rin ang PPCRV sa mga indibidwa na magpupuslit ng mga flyer na ipinagbabawal na ngayon.

Sa tala ng Comelec, mayroong 188 na clustered precints dito sa Bagong Silangan Elem School habang nasa higit 47,000 naman ang botanteng nakarehistro dito. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us