PRC Quezon City Chapter, ipinagdiriwang ang ika-75 taong anibersaryo

Facebook
Twitter
LinkedIn

Abot sa 75 na mga institutions at mga individual partners ang bibigyang parangal sa isinasagawang selebrasyon para sa 75th Anniversary ng Philippine Red Cross (PRC) Quezon City Chapter sa Novotel, Cubao, Quezon City.

Kinilala ni PRC Chairman at CEO Richard Gordon ang naiambag ng mga awardees sa pagpapalakas ng partnership para sa pagtugon sa panahon ng kalamidad at sa pagdudugtong ng buhay .

Ang PRC Quezon City Chapter na matatagpuan sa Diliman sa QC ay ang kauna-unahan o pioneer branches ng PRC sa buong bansa.

Naging saksi ito sa mga makasaysayang kalamidad at hamon sa bansa.

Malaki ang naging ambag ng PRC QC sa paghikayat sa maraming mga partners o katuwang.

Kabilang sa mga naging bunga ng pagsisikap nito ay ang pagkakaroon ng COVID-19 isolation facilities sa Ateneo de Manila na kumalinga sa maraming pasyente noong kasagsagan ng pandemya.| ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us