Unti-unti nang bumababa ang presyo ng bigas sa lungsod ng Gingoog sa iba’t ibang klase lokal o imported rice.
Base sa obserbasyon, mayroon nang mabibiling local rice sa halagang P50-55/kg at ang mga imported rice ay nasa P56-58/kg. Mayroon ding local rice na P40/kg ang presyo depende na sa klase o variety.
Noong unang ipinatupad ang Executive Order ni Pres. Ferdinand R. Marcos Jr., lima (5) sa mga rice retailers ang nakasunod dito at sila na rin ang unang batch na nakatanggap ng P15K bawat isa base sa ebalwasyon ng Department of Trade and Industry (DTI) at Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Sa ngayon, hindi na isyu ang presyo ng bigas sa Gingoog City dahil marami nang mapipiliang murang presyo ang mga mamamayan. | ulat ni Noel Calona | RP1 Gingoog