Bumaba ng P2 hanggang P3 kada kilo ang presyo ng bigas sa ilang bigasan sa pamilihang lungsod ng Lucena simula nang alisin ang price ceiling sa bigas.
Sa panayam ng Radyo Pilipinas Lucena kay Mrs. Annabel Arellano, rice retailer, sinabi nitong sa kanyang tindahan mismo at sa iba pang magbibigas sa lungsod, ay bumaba ang presyo kada kilo ng premium at lokal na bigas nang alisin ang price cap at magsimula na rin ang anihan.
Aniya, ang mga ibinebentang bigas sa Lucena at karatig bayan ay karaniwang galing sa mga rice producer mula sa Bulacan area, Laguna, Mindoro, at sa Mindanao area.
Ayon kay Arellano, magandang kaganapan ito para sa mga tulad niyang rice retailer gayundin sa mga mamimili.
Maaari aniyang mas bumaba pa ang presyo ng bigas hanggang sa matapos ang anihan. | ulat ni Tom Alvarez | RP1 Lucena