Nakapagtala ang Philippine Statistics Authority (PSA) ng bahagyang pagtaas sa presyo ng karneng baboy nitong ikalawang bahagi ng Setyembre.
Sa datos ng PSA, umabot sa ₱289.80 ang average retail price ng karneng baboy na mas mataas kumpara sa unang bahagi ng Setyembre.
Mas mataas rin ito kumpara sa naitalang average retail price ng karneng baboy na ₱289.51 kada kilo noong ikalawang phase ng Agosto.
Kung pagbabatayan naman ang mga rehiyon, ang may pinakamataas na bentahan ng baboy ay ang CARAGA Region na umabot sa ₱307.67 ang kada kilo habang ang pinakamababang bentahan naman ay sa Central Visayas na nagbenta ng ₱238.89 per kilo. | ulat ni Merry Ann Bastasa