Presyo ng wet palay at dry yellow corn sa Region 1, tumaas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tumaas ang presyo ng bawat kilo ng wet palay sa Region 1.

Batay sa monitoring ng Department of Agriculture (DA)-Region 1 mula Oktubre 9-13, 2023, sa Pangasinan ay nasa P15.00-P22.00 ang presyo ng bawat kilo ng wet palay, sa La union ay P15.00-P18.00, Ilocos Sur ay P17.00-P17.50 at Ilocos Norte ay P16.50-P18.50 bawat kilo.

Ito ay katumbas ng 5.88% na pagtaas ng presyo sa rehiyon.

Nananatili namang stable ang presyo ng bawat kilo ng dry palay sa rehiyon, kung saan, sa Pangasinan ay P18.00-P24.00, La Union ay P20.00-P24.00, Ilocos Sur ay P17.00-P22.00 at Ilocos Norte ay P21.00-P23.00

Tumaas naman ng 11.76% ang presyo ng bawat kilo ng dry yellow corn grain sa rehiyon, kung saan, sa Pangasinan ay P19.00, La Union ay P23.00 habang sa Ilocos Sur at Ilocos Norte ay walang datus o kaya’y walang produksyon.

Bumaba naman ng -6.67% ang presyo ng bawat kilo ng wet yellow corn grain, kung saan, sa Pangasinan ay P10.50 habang sa tatlong lalawigan ay walang datos o kaya’y walang produksyon.| ulat ni Glenda B. Sarac| RP1 Agoo

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us