Price guide para sa “Noche Buena” products, isinasapinal na ng DTI

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umapela ang Department of Trade and Industry (DTI) sa mga manufacturer na huwag munang magtaas ng presyo ng kanilang mga produkto lalo na ngayong papalapit ang Pasko.

Ito ang panawagan ni DTI Assistant Secretary Mary Jean Pacheco, sabay giit na ginagawa naman ng pamahalaan ang lahat ng hakbang upang matugunan ang suliranin ng mga ito sa kanilang logistics.

Kasabay nito, sinabi ni ASec. Pacheco, na posibleng ilabas na sa mga susunod na linggo ang “price guide” para sa mga Noche Buena product dahil isinasapinal na ito ng kagawaran.

Dito magkakaaalaman kung may magiging pagtaas ba sa presyuhan ng mga produktong madalas inihahain sa panahon ng kapaskuhan.

Paliwanag ni ASec. Pacheco, sa pamamagitan ng price guide ay matutulungan ang mga konsyumer na magkaroon ng pagpipilian sa mga bibilhin nilang produkto na mas mura o abot kaya.

Kanina, ininspeksyon ng DTI kasama si Sen. Mark Villar ang ilang mga produktong mabibili tuwing Pasko gaya ng Christmas lights at iba pa, upang matiyak na ito’y ligtas ibenta sa publiko.

Sinabi pa ni ASec. Pacheco, na nakatulong din ang inilabas na Executive Order no. 41 ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kung saan, inaatasan ang mga lokal na pamahalaan na suspindihin ang pagpapataw ng pass through fees sa mga produkto. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us