Bilang pagdiriwang sa ika-84 na anibersaryo ng pagkakatatag ng Lungsod Quezon, at komemorasyon sa ika-51 anibersaryo ng pagkamatay ng National Artist na si Fernando Amorsolo, itinampok ngayon sa Quezon City Hall ang isang exhibit tribute na tinawag na Project Amorsolo.
Katuwang ang PinoyLUG (LEGO User Group) ay muling binigyang buhay ang tatlong kilalang gawa ng Pambansang Alagad ng Sining sa anyo ng lego brick mosaic.
Pinangunahan nina Quezon City Mayor Joy Belmonte, Slyvia Amorsolo Lazo, anak ni Fernando Amorsolo, at Presidente Fernando C. Amorsolo Art Foundation, at mga kinatawan ng PinoyLUG ang pagbubukas ng exhibit sa Legislative Wing ng QC Hall.
Kasama sa makikita rito na naka-lego mosaic ang mga kilalang obra ni Amorsolo kabilang ang Bayanihan, Early Traders, at Dalagang Bukid.
Mananatiling bukas sa publiko ang naturang exhibit hanggang October 20. | ulat ni Merry Ann Bastasa