Proposal upang mapayagan ang voluntary 20% ethanol blend sa gasolina, target maaprubahahan ngayong 2023

Facebook
Twitter
LinkedIn

Target ng pamahalaan na maaprubahan na sa pagtatapos ng taong kasalukuyan ang implementasyon ng voluntary 20% ethanol blend sa gasolina, na nakikitang isang paraan upang mapababa ang presyo nito.

“The second important point that was agreed upon was the implementation of the voluntary 20% ethanol blend for gasoline which is targeted for approval by the end of 2023.” —Secretary Lotilla

Mula ito sa kasalukuyang 10% blend ethanol na mandatory requirement para sa gasolina.

“This is primarily price mitigation measure because ethanol, especially imported ethanol is cheaper than the price of gasoline.” —Secretary Lotilla

Paliwanag ni Energy Secretary Rafael Lotilla, mas mura ang ethanol kumpara sa gasolina.

Ayon sa kalihim, ang presyo ng gasolina na walang halong ethanol ay naglalaro sa P56 kada litro.

Ang local ethanol naman ay nasa P79, habang nasa P41.44 ang imported nito.

Kung hahaluan aniya ng ethanol ang gasolina, inaasahan na bahagyang mahihila nito pababa ang presyo ng kada litro ng gasolina.

“Local production of ethanol can only support 48% of the 10% blend – and therefore, the utilization of the highest share of imported ethanol will result in lower pump prices because of the increased blend.” —Secretary Lotilla. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us