Kinumpirma ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na hindi nabiktima ng isang ransomware ang Philippine Statistics Authority (PSA) sa nangyaring data breach sa sistema nito.
Sa isang pahayag, sinabi ng DICT na mahigpit na itong nakatutok sa nangyaring data leak sa PSA kung saan naapektuhan ang Community-Based Monitoring System nito.
Kasama sa iniimbestigahan nito ang logs mula sa PSA upang malaman ang saklaw ng data breach at kung may personal identifiable information na maaaring nakompromiso.
Kumikilos na rin umano ang ahensya para mapanagot ang threat actor na siyang responsable sa data breach.
Kaugnay nito, hinikayat naman ng DICT ang publiko na huwag magpakalat ng posts o links na umano’y naglalaman ng PSA data samples dahil ang naturang links ay may malware. | ulat ni Merry Ann Bastasa