Pinag-iingat ngayon ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang publiko laban sa hindi awtorisadong scanning ng PhilID o ePhillD.
Sa isang pahayag, nilinaw ng PSA na hindi ito nagsasagawa ng anumang aktibidad na may kinalaman sa pag-scan ng PhilID cards o ePhilID, o iba pang uri ng data collection o verification.
Ayon sa PSA, hindi ito awtorisado dahil maaaring makompromiso sa ganitong aktibidad ang seguridad at ang personal na datos ng isang indibidwal.
Dahil dito, hinikayat ng PSA ang publiko na magdoble ingat at huwag ibigay ang PhilID o ePhillD, o anumang personal na impormasyon sa sinumang indibidwal na nagpapakilalang kinatawan ng PSA at magsasagawa ng data scanning.
Ayon sa PSA, maaaring magsumbong sa pinakamalapit na PhilSys Registration Center kung may impormasyon sa anumang kaduda-dudang aktibidad.
“Should you encounter any person or organization claiming to be associated with PSA requesting your PhillD or ePhillD for scanning or other suspicious activities, we urge you to report the same immediately to the Fraud Management Division of PSA through its email address at [email protected] or visit the PhilSys Registration Center near you.” | ulat ni Merry Ann Bastasa