Naghayag ng pagkadismaya si DILG Secretary Benhur Abalos Jr. sa ulat na isang pulis ang maaaring sangkot sa pagkawala ng isang beauty queen candidate sa Batangas.
Inatasan na ng kalihim ang Philippine National Police (PNP) na magsagawa ng masusing imbestigasyon sa kaso.
Sinibak na rin sa puwesto ng PNP ang pulis upang maalis ang anumang pagdududa sa posibleng whitewash o cover-up.
Tinitiyak ng kalihim sa publiko ang isang patas, wasto at walang kinikilingan na imbestigasyon sa kaso.
Hindi aniya kukunsintihin o pagtatakpan ang maling gawain ng pulis o sino mang miyembro ng PNP.
Inatasan na rin ni Abalos ang pulisya na gawin ang lahat para ma rescue ang nawawalang si Catherine Camilon at ibalik ng ligtas sa kanyang pamilya.
Umapela na rin ang kalihim sa sinumang makakapagbigay ng impormasyon sa kinaroroonan ng beauty queen na lumantad at makipag ugnayan sa pulisya para sa agarang pagresolba sa kaso. | ulat ni Rey Ferrer