QC LGU, naglabas ng gabay para sa Undas 2023

Facebook
Twitter
LinkedIn

Suspendido ang interment operations sa mga pampublikong sementeryo at kolumbaryo sa Quezon City simula Oktubre 31 hanggang Nobyembre 2.

Ito’y para bigyang daan ang paggunita sa Undas. Magbabalik ang operasyon nito sa Nobyembre 3.

Sa ngayon, pinapayagan na ng Pamahalaang Lungsod ang publiko na maglinis, magpinta at mag-ayos ng mga puntod at libingan hanggang alas-5:00 ng hapon ng Oktubre 30 lamang.

Mula Oktubre 31 hanggang Nobyembre 2, bukas sa publiko ang Bagbag Cemetery mula alas-6:00 ng umaga hanggang alas-9:00 ng gabi gayundin sa Novaliches Cemetery.

Samantala, isasara naman ang Baesa Columbarium maliban kung may schedule na cremation.

Paalala ng LGU na hindi pinapayagan ang private parking sa loob ng mga sementeryo at kolumbaryo sa mga araw na nabanggit.

Pinapayagan naman ang mga vendors at iba pang micro enterprises na mag-operate sa labas ng sementeryo sa araw ng Undas. | ulat Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us