QC LGU, nagpasalamat sa mga gurong nagsilbi sa BSKE sa lungsod

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpaabot ng pasasalamat ang Quezon City government sa 12,488 na mga guro mula sa Departmemt of Education (DepEd) Schools Division Office – Quezon City sa kanilang dedikasyon para maging maayos ang daloy ng Barangay at Sangguniang Kabataan (BSK) Elections sa lungsod.

Sa isang pahayag, pinasalamatan ng pamahalaang lungsod ang mga gurong nagsilbing Electoral Boards, DepEd Supervisor Officials (DESO), DESO Staff, at Barangay Board of Canvassers sa 169 polling centers.

Ayon sa LGU, saludo ito sa mga guro at empleyado ng lokal na pamahalaan na buong pusong naglingkod upang matiyak na makakaboto ang mga residente mula sa 142 barangay ng lungsod.

Kagabi ay maayos na naihatid na ng mga guro ang ang mga ballot boxes at election paraphernalia sa QC City Hall na ginamit sa BSKE.

Mula sa 169 polling centers sa anim na distrito, inihahatid sa QC Hall ang mga ballot boxes bago ito i-turn over sa COMELEC. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us