QC LGU, nagpatupad ng adjustment sa southbound zipper lane ng Katipunan Ave

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nag-abiso ngayon ang Quezon City Local Government Unit sa ilang pagbabago sa bagong morning rush hour zipper lane na nakapwesto sa Katipunan Avenue Southbound.

Ayon sa pamahalaang lungsod, batay sa naging resulta ng unang araw ng dry run ay kailangang bawasan ang exit ng zipper lane upang hindi maapektuhan ang Northbound direction ng Katipunan Avenue.

Dahil dito, aalisin ang exit patungong Miriam College Gate 3, at ang tanging mananatiling exit ay ang patungong Miriam College Gate 5 at 6 sa kahabaan ng Mangyan Road sa loob ng La Vista Subdivision.

Ang entrance ng zipper lane ay mananatili pa rin sa U-Turn slot sa harap ng UP Town Center-Mercury Drug.

Inagahan rin ang operating hours ng zipper lane na iiral na tuwing 6:00 AM hanggang 7:30 AM, tuwing weekdays pa rin, maliban kung holidays.

Makakaasa naman aniya ang mga motorista na patuloy na aalalay sa kanila ang mga Traffic Enforcer ng Quezon City government at ng Metro Manila Development Authority (MMDA). | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us