Handang-handa na ang Quezon City Government para sa 2023 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) na gaganapin sa 169 polling precincts.
Pinuri ni Mayor Joy Belmonte ang concerned government agencies at departments ng city government dahil ligtas na magagamit ng mga residente sa 142 barangay ang kanilang karapatang bumoto.
Ayon sa alkalde, tatlong mall sa lungsod ang magsisilbing polling precinct. Kabilang dito ang SM City North Edsa sa District 1, Robinsons Magnolia sa District 4, at sa SM City Fairview sa District 5.
Pagkatapos, tatlong polling center sa District 6 ang magiging bahagi ng pilot testing ng COMELEC para sa isang automated BSKE 2023 gamit ang Vote Counting Machines (VCMs).
Ito ay sa Pasong Tamo Elementary School, Judge Feliciano Belmonte Senior High School, at sa CBE Town Covered Court.
Humigit-kumulang 550 jeepney ang inupahan ng QC government kasama ang 170 city-owned vehicles para magbigay ng transportasyon sa panahon ng distribution at retrieval operations ng mga ballot boxes at election paraphernalia ng COMELEC.| ulat ni Rey Ferrer