Inihahanda na ng Quezon City Jail Male Dormitory ang pasilidad para sa gaganaping Barangay at Sangguniang Kabataang Election ngayong buwan ng Oktubre 2023.
Ayon kay City Warden Jail Supt Michelle ng Bonto may inisyal nang pulong na ginawa ang pamunuan ng Jail facility at Commission on Elections (COMELEC) para paghandaan ang pagboto ng mga registered voters na Persons Deprived of Liberty (PDLs).
Napagkasunduan sa pulong ang paglalagay ng special polling precints sa loob ng jail facility para hindi na kailangan lumabas para bumoto ang mga PDL.
Sa ngayon, inaalam pa ni Supt. Bonto ang bilang ng mga PDL na registered voters na maaaring makaboto sa Barangay at SK Elections.
Bago ito, nagkaroon ng Tripartite Memorandum Agreement sa pagitan ng COMELEC, Public Attorney’s Office at Bureau of Jail Management and Penology para makaboto ang mga PDL.
Base sa datOs ng BJMP, mahigit 63,000 PDL ang registered voters sa buong bansa.
Ang pagboto ng mga PDL, ay alinsunod sa kautusan ng Korte Suprema at pagsusulong sa karapatan ng mga PDL na makaboto. | ulat ni Rey Ferrer