Quezon City solon, nababahala sa ‘all time high’ na bilang ng nursing graduates na kumuha ng US nursing exam ngayong taon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nababahala si Quezon City Rep. Marvin Rillo sa mataas na bilang ng mga nursing graduates sa bansa na kumuha ng US nursing licensure exam.

Tinukoy nito na mula January hanggang September 2023, umabot sa 26,972 na mga mag-aaral natin na nagtapos ng nursing ang kumuha ng naturang pagsusulit.

117% aniya itong mas mataas kumpara sa 12,399 lamang noong kaparahenong panahon noong 2022.

Aniya, ang bilang na ito ay nagbabadyang makaapekto sa pangangailangan ng bansa ng mga nurse.

“The surge in the number of nursing graduates from the Philippines taking the U.S. licensure examination betrays a looming new wave of mass migration of practitioners to America. The government should take forceful action now and invest more money to hang on to some of our nurses in the local health sector,” ani Rillo.

Bunsod nito muling nanawagan ang mambabatas na ipasa na ang panukala na layong itaas ang salary grade para sa entry level ng mga nurse mula 15, patungong 21 o mula P36,619 ay gagawin nang P63,997.

Ito ay upang mas ma-engganyo sila na dito na lamang sa bansa magtrabaho.

Una nang sinabi ng World Health Organization na kung walang gagawing hakbang ang Pilipinas ay aabot ng 249,843 ang kakulangan sa nurse sa bansa pagsapit ng 2030. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us