Regular na resupply mission sa BRP Sierra Madre, magpapatuloy — Sec. Año

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hindi magpapatinag ang pamahalaan at itutuloy pa rin ang mga regular na resupply mission sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal sa gitna ng walang-patid na pangha-harass ng China.

Ito ang inihayag ni National Security Adviser Eduardo Año kaugnay ng huling dalawang insidente sa Ayungin Shoal kahapon ng umaga habang nagsasagawa ng regular na resupply mission ang Armed Forces of the Philippines (AFP)-contracted Unaiza May 1 at 2 na in-escort ng Philippine Coast Guard (PCG).

Sa unang insidente na naganap ng 6:04 ng umaga, ay bumangga ang Chinese Coast Guard vessel 5203 (CCGV 5203) sa Unaiza May 2 (UM 2) dahil sa peligrosong blocking maneuver na ginawa ng barko ng China.

Sa ikalawang insidente tinamaan naman ang Philippine Coast Guard (PCG) vessel MRRV 4409 ng Chinese Maritime Militia vessel 00003 na nagsasagawa ng coordinate blocking maneuvers para hadlangan ang resupply mission.

Inescortan ng dalawang PCG vessel, MRRV-4407 at MRRV-4409, ang Unaiza May 1 at 2 pabalik sa kanilang home port matapos bahagyang makumpleto ang kanilang misyon dahil sa insidente.

Iniulat ng PCG na sa kabila ng pinsalang tinamo ng Unaiza May 2, walang nasaktan sa crew ng dalawang supply boat.  | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us