Responsable sa maritime incident sa Bajo de Masinloc na nagresulta sa pagkasawi ng 3 Pilipinong mangingisda, pananagutin — PBBM

Facebook
Twitter
LinkedIn

Makakaasa ang pamilya at malalapit sa buhay ng tatlong mangingisdang Pilipino na nasawi sa maritime incident sa Bajo de Masinloc, madaling araw ng Lunes (October 2) na pananagutin ng pamahalaan ang mga responsable dito.

“We assure the victims, their families, and everyone that we will exert every effort to hold accountable those who are responsible for this unfortunate maritime incident.” — Pangulong Marcos Jr.

Pahayag ito ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa gitna ng ginagawang imbestigasyon ng Philippine Coast Guard (PCG) upang matukoy ang commercial vessel na bumangga sa fishing boat ng mga mangingisda.

Sabi ng Pangulo, nakalulungkot ang insidenteng ito, at beberipikahin aniya ng pamahalaan ang rason ng banggaan.

“We are deeply saddened by the deaths of the three fishermen, including the captain of the fishing vessel. The incident is still under investigation to ascertain the details and circumstances surrounding the collision between the fishing boat and a still unidentified commercial vessel.” — Pangulong Marcos Jr.

Ang PCG nagsasagawa na aniya ng backtracking at inaalam na ang lahat ng vessel na present sa lugar.

Ayon pa kay Pangulong Marcos Jr., hayaan muna ang PCG na gawin ang trabaho nito at umiwas muna sa paggawa ng anumang ispekulasyon.

“Let us allow the PCG to do its job and investigate, and let us refrain from engaging in speculation in the meantime. Rest assured that the government will provide support and assistance to the vicitims and their families.” — Pangulong Marcos Jr. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us