Resupply mission sa BRP Sierra Madre, aminadong madalas nang isinasagawa -AFP Spokesman

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinumpirma ni Armed Forces of the Philippines Spokesman Colonel Medel Aguilar na napapadalas ang resupply mission sa mga sundalo sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.

Ito ay matapos na maobserbahan na kada dalawang linggo ay nagkakaroon ng resupplay mission sa naturang lugar.

Paliwanag pa ng tagapagsalita ng Armed Forces na kailangan na ring dalasan ang pagdadala ng suplay dahil sa pangangailangan ng mga sundalo doon.

Hindi naman nagbigay ng pahayag si Col Medel sa dami ng bilang ng mga sundalong nasa BRP Sierra Madre.

Aminado ang opisyal na ang madalas na pagpunta sa BRP Sierra Madre ay nagsisilbing morale booster para sa mga sundalo.

Lalo pa’t mayroong mga sibilyan ang nais ding magpadala sa kanila ng kinakailangan nilang supplies gaya ng sariwang gulay, prutas at iba pang bagay. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us