Rice distribution sa mga 4Ps beneficiary sa Jolo, sinaksihan ni Sec. Gatchalian

Facebook
Twitter
LinkedIn

Personal na sinaksian nina Social Welfare Secretary Rex Gatchalian, Special Assistant to the President Antonio Lagdameo, Jr. at Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity Carlito Galvez, Jr. ang pamamahagi ng tig isang sakong bigas sa mga benepisyariyo ng Pantawid Pamilya Pilipino Program (4Ps) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Isang libong 4Ps beneficiary mula Jolo ang nakatanggap ngayong hapon na mula sa nakumpiskang bigas ng Bureau of Customs (BoC) sa Zamboanga kamakailan.

Ikinagalak ni Secretary Gatchalian ang maayos na kalagayan ng kanilang benepisyariyo ng 4Ps sa lalawigan katuwang ang Ministry of Social Services and Development (MSSD) BARMM.

Dagdag pa nito sa kaniyang mensahe sa naturnag aktibidad na makakaasa ang mga miyembro ng programa na prayoridad sila sa mga serbisyo ng gobyerno katulad na lamang ng pamamahagi ng bigas lalo na aniya ang mga 4Ps member sa Sulu.

Ayon naman kay Special Assistant to the President Antonio Lagdameo, Jr., nais ng pangulo na makatulong sa mabigat na pasanin ng mga mamamayang Pilipino ngayong nararamdaman ang pagtaas ng bilihin.

Patuloy aniya ang pagsusumikap ng pamahalaan upang mahuli ang mga nag-smuggle ng mga bigas na nakakaapekto sa presyo nito sa merkado.

Sinaksian din ni Sulu Gov. Sakur Tan, 19 na alkalde mula sa iba’t ibang bayan sa lalawigan ng Sulu, Minster Atty. Raissa Jajurie ng MSSD BARMM at iba pang personalidad ang naturang rice distribution.| ulat ni Eloiza Mohammad| RP1 Jolo

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us