Hinimok ni Quezon City Rep. Marvin Rillo ang Department of Tourism na gamitin ang “rifle approach” sa pagtulak sa Pilipinas bilang tourism destination para sa mga magbabakasyon at international meetings o conventions.
Ang “rifle approach” ay isang paraan ng marketing kung saan mayroong target market o audience.
Ayon kay Rillo, maaaring ituon ng DOT ang marketing sa limang bansa na may pinakamaraming biyahero na pumupunta ng Pilipinas: ang South Korea, United States, Japan, China at Australia.
Sa paraang ito mas makakadagdag ang turismo sa pagbubukas ng trabaho at pagpapalakas ng economic activity sa bansa.
“We want the DOT to succeed in bringing in a larger number of foreign visitors because their spending here contributes in a big way to creating new employment opportunities for Filipinos in accommodation, transport, food and beverage services, entertainment, and other economic activities,” ani Rillo.
Ayon kay Rillo na siyang vice-chair ng Committee on Tourism, P1.26 billion ang planong gastusin ng DOT para ibenta ang Pilipinas sa mga dayuhang turista.
Sa datos na isinumite ng ahensya sa Kongreso, lumalabas na mula January hanggang September 2023 ay pumalo sa sa 4.048 million ang foreign tourist sa bumisita sa Pilipinas. | ulat ni Kathleen Jean Forbes