Iniulat ng Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Office (QCDRRMO) na wala nang direktang epekto sa lungsod ng Quezon ang sama ng panahon.
Pero batay sa ulat ng PAGASA, patuloy pa ring pag-iibayuhin ang hanging Habagat na siya namang magdadala ng maulap na papawirin at katamtamang tyansa ng mahinang ulan.
Samantala, ang bagyong #JennyPH ay bahagyang lumakas kaninang hapon habang kumikilos pakanluran patungo sa timog Taiwan.
Namataan ang sentro nito sa155 km North-Northeast ng Itbayat, Batanes taglay ang lakas na hangin na aabot sa 155 km bawat oras malapit sa gitna at may pagbugso na aabot sa 190 km bawat oras.| ulat ni Rey Ferrer