Natamo ang lahat ng “training objectives” sa isinagawang SAMASAMA 2023 Exercise sa pagitan ng Philippine Navy at US Navy na nagpahusay ng interoperability, kapabilidad, at kahandaan ng dalawang pwersa.
Ito ang idineklara ni Naval Forces Southern Luzon Commander, Commodore Joe Anthony Orbe, na siyang Officer Conducting the Exercise, nang pormal niyang isara ang taunang bilateral exercise sa programang ginawa sa Naval Station Julhasan Arasain, Rawis, Legazpi City noong Biyernes.
Ang pagsasanay na ginawa mula October 2 hanggang 13, ay nilahukan din ng Japan, the United Kingdom, Canada, France, at Australia sa pamamagitan ng Subject Matter Expert Exchanges (SMEE) at pagsasanay sa Humanitarian and Disaster Response (HADR).
Habang ang Royal New Zealand Navy at Indonesian Navy ay lumahok bilang observer.
Sinabi naman ni Southern Luzon Command (SOLCOM) Commander Lieutenant General Efren Baluyot, panauhing pandangal sa Closing Ceremony, na ang collaborative effort ng mga magkaalyadong pwersa ay nakatulong sa paghahandang tumugon sa mga bagong banta sa stabilidad at seguridad ng Indo-Pacific Region. | ulat ni Leo Sarne
📸: PAO, NFSL