Sapat na suplay ng baboy para sa holiday season, tinutugunan na ng DA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakatutok na ang Department of Agriculture sa sitwasyon ng suplay ng baboy sa bansa lalo ngayong paparating na ang holiday season.

Ayon kay DA Asec. at Spokesperson Arnel de Mesa, may sapat na suplay ng baboy hanggang sa ikatlong quarter ng 2023 bagamat posible aniyang magkaroon ng kakulangan sa lokal na suplay sa huling quarter ng taon.

Kaya naman, tinitignan na ng kagawaran ang pag-aangkat ng baboy para mapunan ang 10 araw na inaasahang deficit sa lokal na suplay ng baboy.

Paliwanag ni de Mesa, ang pag-iimport ng baboy ang siyang magbabalanse sa pangangailangan ng bansa at para rin masigurong hindi lolobo ang presyo nito sa mga pamilihan.

Bukod sa suplay, kasama rin sa binabantayan ng DA ang tumataas na bentahan ng baboy ngayon at kung mayroon bang manipulasyon dito.

Ayon kay Asec. de Mesa, kung makikita ng gobyerno na may nang-aabuso sa presyuhan ng baboy ay maaaring magrekomenda ng suggested retail price o SRP dito.

Tuloy-tuloy naman din aniya ang pakikipag-ugnayan ng DA, BAI at NMIS maging sa stakeholders para masigurong hindi magkakaroon ng probelma sa suplay at presyo ng baboy lalo sa holiday season kung kailan mataas ang demand nito. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us